Sen. Chiz Escudero sa NDRRMC: Gawing simple ang pagbibigay ng calamity funds

Hiniling ni Senator Francis Escudero sa Office of Civil Defense at Natonal Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na gawing simple na lamang ang proseso sa pagpapalabas ng calamity fund sa mga lokal na pamahalaan.

Ito ay para sa mabilis na relief operations matapos ang anumang kalamidad o sakuna at upang makaagapay ang LGUs sa sitwasyon.

“Something must be done on the part of the OCD-NDRRMC. You must be able to find a way to hasten your procedures insofar as giving assistance is concerned. Ang laki-laki ng pondo ninyo sa calamity fund, hindi naman nakakarating agad sa mga apektado dahil sa dami at hirap mag-comply sa mga requirements ninyo,” ani Escudero.

Ayon naman kay OCD Deputy Administrator Bernardo Alejandro IV nirerebyu na ng NDRRMC ang Memorandum Circular 45 s. 2017, na naglalaman ng guidelines sa paghingi at pagpapalabas ng calamity funds.

Pagbabahagi pa ni Escudero ng maslaanta ang Sorsogon ng bagyong Tisoy noong 2019 agad silang nanghingi ng pondo, na naipalabas noon lamang nakaraang taon, makalipas ang tatlong taon.

Read more...