Presyo ng bigas malapit nang maibaba sa P20 kada kilo

By Chona Yu March 16, 2023 - 01:32 PM

 

Malapit nang maging katotohanan ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangako noong panahon ng kampanya na ibaba sa P20 ang presyo ng bigas kada kilo.

Sa paglulunsad ng “Kadiwa ng Pangulo” sa Pili, Camarines Sur, sinabi ng Pangulo na dahan-dahan at kaunting panahon na lamang at maibababa na ang presyo ng bigas.

Sabi ng Pangulo, pinagsusumikapan din ngayon ng pamahalaan na maibaba ang presyo ng sibuyas.

Maging ang presyo aniya ng asukal na pumalo sa P100 kada kilo, naibaba na ito ngayon sa P85 kada kilo.

“Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi na noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng Php20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa Php25 na tayo. Kaunti na lang, maibababa natin ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

“Tapos ‘yung ginawa natin, halimbawa doon sa sibuyas, ganoon din para… Biglang nagtaasan lahat eh kulang sa produksyon. Ginawa namin ay dinagdagan namin para bumaba rin ang presyo,” dagdag ng Pangulo,” dagdag ng Pangulo.

Nasa mahigit 500 Kadiwa stalls na ang naipatayo ng Pangulo sa ibat ibang bahagi ng bansa.

 

TAGS: Bigas, Ferdinand Marcos Jr., news, P20, Radyo Inquirer, Bigas, Ferdinand Marcos Jr., news, P20, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.