Ito ang kinumpirma ng mga security researchers at ng Democratic Committee matapos madiskubre ang hacking incident.
Ayon kay Rep. Debbie Wasserman Schultz, chairwoman ng Democratic National Committee, matapos nilang madiskubre ang hacking, agad silang gumawa ng mga hakbang upang mapigilan ang mga cybercriminals.
Dalawang hiwalay na hacking incident ang kanilang nadiskubre kung saan nagawa ng mga ito na mabasa ang mga mga email at chat na napapaloob sa sistema ng Democratic National Committee.
Mapag-alaman na halos isang taon nang may-access ang mga hackers network ng DNC ngunit nito lamang na-expel matapos ang isang major computer-cleanup.
Una nang iniulat ng Washington Post na nagsabing ilang Russian spies ang nakapasok sa network ng DNC at tinarget din na pasukin ang computer network ni Trump at Democratic presidential candidate Hillary Clinton.