US Democratic Party, napasok ng Russian hackers

By Jay Dones June 15, 2016 - 04:17 AM

 

hacking-300x202Nagawang mapasok ng mga Russian government cyberhackers ang network ng Democratic National Committee at nakuha ang database nito ukol sa kanilang mga research ukol sa kanilang stratehiya kaugnay sa Republican candidate na si Donald Trump.

Ito ang kinumpirma ng mga security researchers at ng Democratic Committee matapos madiskubre ang hacking incident.

Ayon kay Rep. Debbie Wasserman Schultz, chairwoman ng Democratic National Committee, matapos nilang madiskubre ang hacking, agad silang gumawa ng mga hakbang upang mapigilan ang mga cybercriminals.

Dalawang hiwalay na hacking incident ang kanilang nadiskubre kung saan nagawa ng mga ito na mabasa ang mga mga email at chat na napapaloob sa sistema ng Democratic National Committee.

Mapag-alaman na halos isang taon nang may-access ang mga hackers network ng DNC ngunit nito lamang na-expel matapos ang isang major computer-cleanup.

Una nang iniulat ng Washington Post na nagsabing ilang Russian spies ang nakapasok sa network ng DNC at tinarget din na pasukin ang computer network ni Trump at Democratic presidential candidate Hillary Clinton.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.