Suplay ng isda sapat sa Semana Santa – BFAR

By Chona Yu March 16, 2023 - 12:57 PM
Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa. Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangingisda sa ilang lugar. “Dahil nasa peak season tayo ngayon sa fishing activity. We expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw,” pahayag ni Briguera. Pero ayon kay Briquera, maaring maapektuhan pa rin ang suplay ng isda sa bansa dahil sa ilang balakid tulad ng nangyari ng oil spill sa Oriental Mindoro. “Pero hindi namin nakikita na maakakaroon na panamalawakang kakulangan sa presvo na isda because of the oil spill,” pahayag ng opisyal. Problema rin aniya ng mga mangingisda ngayon ang mataas na presyo sa produktong petrolyo at  post-harvest losses. “Alam natin na nagfa-fluctuate ang presyo ng petrolyo. Minsan tumataas ito at nagiging dahilan kung bakit nababawasan ang fishing activities kaya ang DA-BFAR ay patuloy na nagsusulong na subsidy program at  technology assistance  lalo na sa small-scale fisherfolk,” pahayag ng opisyal. Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpapa tayo siya ng 11 cold storage facility para hindi masira  ang mga huling isda.

TAGS: Isda, news, Radyo Inquirer, Semana Santa, suplay, Isda, news, Radyo Inquirer, Semana Santa, suplay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.