Pamilya Degamo hiniling ang pagpapalit sa lahat ng prosecutors sa Negros Oriental

March 16, 2023 - 01:26 PM

Inihirit ng pamilya ng pinatay na Negros Oriental Governor Roel Degamo na mapalitan ang lahat ng government prosecutors sa lalawigan.

Ito ang ibinahagi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa pagsasabing: “May kahilingin rin sila na palitan din ang ating mga prosecutors na nakatalaga sa Negros Oriental sapagkat meron silang nirereklamo rin na mga nangyayari noong araw.”

Aniya sinabi niya na lamang sa pamilya Degamo na masusing titignan ng DOJ ang lahat ng mga kaso ng karahasan sa lalawigan.

“May nakarating sa amin na balita na may labing pitong kaso pa na kailangan namin iimbestigahan,”  sabi pa ng kalihim.

Una na rin inanunsiyo ni Remulla na pinagbigyan na ng Korte Suprema ang kanyang kahilingan na mailipat sa isang korte sa Maynila ang mga kso na naisampa kaugnay sa pagpatay kay Degamo.

Kasabay nito, tiniyak din ni Remulla ang kaligtasan ni  Negros Oriental 3rd District Rep. Anolfo Teves Jr. kapag umuwi ito ng Pilipinas.

“Marami ho tayo pwede italaga para mai-secure sila. Mahalaga umuwi at face the charges kasi parang doon papunta ngayon ang kalahatan nito,” punto pa ng kalihim.

TAGS: DOJ, Gov. Roel Degamo, Negros Oriental, prosecutors, DOJ, Gov. Roel Degamo, Negros Oriental, prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.