SP Migz Zubiri: Hindi ako makikipag-away sa Kamara
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi siya makikipag-away sa mga miyembro ng Kamara.
“You know, as inter-parliamentary courtesy and I never pick a fight with the members of the House of Representatives. I came from the House of Representatives for nine years. So I have my utmost respect for them. But we are tackling Charter Change,’’ aniya.
Unang sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sna hindi maaring balewalain ng Senado ang malawak na suporta para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Nanawagan siya sa Senado na talakayin ang mga panukala na naipasa sa Kamara ng may malawak na suporta ng mga mambabatas.
Binanggit naman ni Zubiri na ang Charter change o Cha-Cha ay hindi kabilang sa natalakay na mga priority measures sa LEDAC o Legislative Executive Development Council.
Diin niya, maging si Pangulong Marcos Jr., ay sinabi na hindi prayoridad ang pagbabago sa Saligang Batas.
Una na rin sinabi ni Zubiri na walang kabuluhan na talakayin ang Cha-cha sa Senado dahil walang sapat na bilang ng mga senador na sumusuporta sa panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.