Acting Mayor ng Cebu City at 7 iba pa, kinasuhan ng kidnapping

By Kathleen Betina Aenlle June 15, 2016 - 04:00 AM

 

Ombudsman1Sinampahan ng kasong kidnapping ng kagawad ng barangay Labangon na si Rodolfo Tabasa si acting Cebu City Mayor Margot Osmeña at pitong iba pa sa Ombudsman-Visayas.

Bukod sa kasong kidnapping, inakusahan rin ni Tabasa ng serious illegal detention, unlawful arrest at grave coercion si Osmeña, Government Services Office (GSO) chief Ronald Malacora, tauhan ng GSO na sina Kenneth Amar at Rafael Cabunilas, pati na ang apat na hindi pa natutukoy na mga pulis.

Noong June 10, inaresto si Tabasa sa kaniyang tahanan at nanatili ng buong magdamag sa kulungan ng Cebu City Police Office.

Kasama umano nina Amar at Cabunilas ang apat na pulis nang puntahan siyang mga ito sa kaniyang tahanan dakong alas-9 ng gabi at nagsagawa ng “citizen’s arrest” dahil sa umano’y pagtanggi niyang isauli ang Toyota Hilux na issued sa kaniya ng gobyerno.

Nang maupo si Osmeña bilang acting mayor ng lungsod, agad niyang iniutos ang pag-bawi ng lahat ng mga city-issued na sasakyan para sa inventory.

Isinampa ni Tabasa ang kaso sa Ombudsman, Martes ng hapon, kasama ang kaniyang asawa at mga abogado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.