Presidential coverage ng vloggers inaaral pa

By Chona Yu March 15, 2023 - 03:29 PM
Pinag-aaralan pa ng Presidential Communications Office (PCO) kung bibigyan ng akreditasyon ang mga vloggers para makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, kapag natapos na aniya ang pag-aaral, agad niyang isasapubliko ang desisyon. “Ang pag aaccredit sa ating mga vloggers ay patuloy po nating pinagaaralan. Kasama po yan sa ating mga programa na pinagaaralan po ngayon. So in time po kapag nagkaroon na kami ng malawakang pag-aaral, ibibigay po namin ang aming sagot with respect to that issue,” pahayag  ni Garafil. Kinuwestyun kasi ni Sen. Risa Hontiveros kung ano ang balak ni Garafil sa mga vloggers bilang miyembro ng Malacanang Press Corps.

TAGS: pco, Vloggers, pco, Vloggers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.