Tatlong bata nailigtas ng NBI sa child pornography ring sa Cebu

By Chona Yu March 15, 2023 - 03:26 PM
Nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong menor de edad sa child pornography syndicate sa Ronda, Cebu. Ayon sa pahayag ng NBI, nakaligtas sa sexual abuse at exploitation ang tatlong menor de edad matapos ang operasyon ng  NBI-Anti Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD). Sinabi ng ahensiya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Australian Federal Police (AFP) at Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC), na nahuli ng kanilang hanay ang Argentinian na si Victor  Daniel Ibarra sa Sydney, Australia dahil sa  possession of Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) ng tatlong mentor de edad. Nabatid na mayroong partner si Ibarra na isang Filipina na residente sa Cebu kung saan kapatid niya ang tatlong mentor de edad. Agad na nagsagawa ng operasyon ang NBI at nailigtas  ang  mga biktima.

TAGS: child pornography, NBI, child pornography, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.