May 122 indibiduwal na ang nagkasakit dahil sa oil spill sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire karamihan ay nakaranas ng pagkahilo, ubo at sipon.
“Marami din pong mga nahihilo–16. Meron pong mga sumakit ang tyan. Nahirapan huminga, 10; meron nagkaroon ng skin rashes, around seven,” ani Vergeire.
May limang kaso na lumala ang asthma dahil sa pagkakasinghot ng hangin
Isa lamang aniya sa mga nagkasakit at kinailangan na ma-ospital at ang lahat ay nakarekober na.
Of the cases, only one was hospitalized, said Vergeire.
“All in all, halos lahat naman recovered. Katulad nga ng sabi ko dati, isa lang po ang napasugod natin sa ospital kasi nag asthmatic attack but after one day nailabas na rin,” pagbabahagi pa ni Vergeire.