Sakop ng economic sabotage inirekomenda ni Villar na palawigin

By Jan Escosio March 15, 2023 - 09:01 AM
Inilatag  na ni Senator Cynthia Villar sa plenaryo ng Senado ang final  committee report sa isinagawang imbestigasyon sa mataas na presyo ng sibuyas sa merkado. Pangunahing inirekomenda ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform  ang pag-amyenda sa RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. Ito ay upang maisama sa mga krimeng may kinalaman sa economic sabotage ang profiteering, hoarding at smuggling. Isinusulong din ang pagbuo ng   “Anti-Agricultural Smuggling Task Force;” at  special court na tututok sa pagdinig sa mga kaso ng economic sabotage. Sinabi ni Villar na panahon nang magkaroon ng  Anti-Agricultural Smuggling Task Force at Anti-Agricultural Smuggling Court upang  magkaroon ng watchdog sa agricultural sector. Sa pamamagitan anya nito ay matitiyak na mapapanagot ang mga nagmamanipila ng presyo na ang  agsasakripisyo ay mga magsasaka at consumers. Tiniyak ng senador na buburahin na ang mga panahong umaasa ang lahat sa awa ng mga kartel.

TAGS: economic sabotage, hoarding, sibuyas, smuggling, economic sabotage, hoarding, sibuyas, smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.