Holy Week break pinahaba ng Palasyo, Abril 10 walang pasok

Humaba pa ang mahaba ng Holy Week break matapos ideklara ng Malakanyang na wala din pasok sa Abril 10, araw ng Lunes.

Sa Proclamation No. 90 ni Pangulong Marcos Jr., inilipat ang obserbasyon ng Araw ng Kagitingan sa Abril 10 mula Abril 9, na Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

“To enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend, Monday, 10 April 2023, in lieu of Sunday, 9 April 2023, may be declared as a non-working holiday, provided that the historical significance of Araw ng Kagitingan is maintained,” ayon sa proklamasyon na may petsang Nobyembre 22, 2022.

Ang Huwebes Santo (Abril 6) at Biyernes Santo (Abril 7) ay regular holiday sa bansa.

Ginawa ng Malakanyang ang hakbang para mas mabigyan ng mas mahabang bakasyon  ang sambayanan kasabay ng paggunita ng Semana Santa.

Read more...