Pantalon ibigay na opsyon sa mga babaeng estudyante, ayon kay Tulfo
By Jan Escosio March 15, 2023 - 08:37 AM
Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo ang pagkakaroon ng “gender-neutral uniforms” sa lahat ng mga paaralan at unibersidad.
Sa Senate Bill 1986 o “Pants for Her Act” na inihain ni Tulfo, binibigyan ng opsyon ang mga babaeng estudyante na magsuot ng pantalon bilang uniform kung hindi ito komportable sa tradisyunal na palda.
Sa panukala ay inaatasan ang lahat ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad na ipatupad ang naturang gender-neutral na uniporme.
Ayon kay Tulfo, dahil sa social climate ngayon ay dapat na mabago ang mga lumang nakasanayan.
Bukod sa pagbibigay kalayaan sa mga babaeng estudyante na piliin aling uniform sila komportable, layon din ng panukala na maprotektahan ang mga mag-aaral sa dengue at proteksyon na rin sa pagsakay sa motorsiklo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.