P150 across-the-board daily wage hike inihirit ni Zubiri

Naghain ng panukala si Senate President Juan Miguel Zubiri para madagdagan ng P150 ang daily minimum wage sa pribadong sektor.

Katuwiran ni Zubiri sagad-sagad na sa pagta-trabaho ang maraming kawani ngunit hindi pa rin sila makaagapay sa maayos na pamumuhay.

Aniya dapat ay nararamdaman hanggang sa mga nasa laylayan ng lipunan ang gumagandang ekonomiya dahil kung hundi nangyayari ito ay mas lumalaki ang agwat ng mayayaman sa mga mahihirap.

Sakop ng Senate Bill 2002 o ang  Across-the-Board Wage Increase Act of 2023 sa lahat ng mga nagta-trabaho sa pribadong sektor, kabilang ang mga nasa sektor ng agrikultura, maliit o malaki man ang kompaniya maging ang bilang ng mga trabahador.

Sa kasalukuyan, P570 ang daily minimum wage sa Metro Manila at ang tinatayang family living wage naman ay tinatayang na sa  estimated at P1,161.

Read more...