Release ng nasa 700,000 plaka ng sasakyan, pinigil ng Korte Suprema

By Chona Yu June 15, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Nagpalabas ng Temporary Restraing Order ang Supreme Court para pigilan ang Land Transportation Office at Department of Transportation and Communications (DOTC) na iisyu ang 700,000 plaka ng mga sasakyan na kinumpiska ng Buteau of Customs (BOC).

Kabilang rito ang 300 libong plaka para sa motor vehicle at 400 libong plaka para sa mga motorsiklo. Ang mga plaka ng sasakyan ay kinumpiska dahil sa kabiguan ng manufacturer nito, ang Joint Venture ng Power Plates Development Concepts Incorporated at J. Knieriem BV Goes, na magbayad ng buwis at customs duties.

Nabatid na nagpalabas na ang Commission on Audit ng notice of disallowance nuong July 13, 2015 kaugnay ng Motor Vehicle License Plate Standardization program ng LTO.

Sa ilalim ng notice of disallowance, inaatasan ang DOTC at LTO at ang Joint Venture na ibalik at ideliver sa Bureau of Treasury ang advance payment na ibinayad ng LTO sa Joint Venture na nagkakahalaga ng 477.9 million pesos. Sa bisa rin ng notice of disallowance, hindi maaring idonate ng BOC ang kinumpiskang mga plaka sa LTO.

Ang TRO na inisyu ng SC ay agarang ipatutupad at ito ay mananatili hanggang hindi binabawi ng hukuman. Aabot sa 40 milyong piso ang duties and taxes na kailangang bayaran ng PPI-JKG Joint Venture sa BOC dahil sa shipment ng mga plaka.

Una rito, kinwestyon nina Abakada Rep. Jonathan dela Cruz at Parañaque Rep. Gustavo Tambunting ang ginawa ng BOC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.