Naglaan ang Department of Budget and Management ng P43 bilyong pondo para sa agriculture priority programs ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ito ay para mapalakas pa ang sektor ng agrikultura sa bansa na pangunahing drivers sa growth at employment.
Sabi ni Pangandaman, kukunin ang pondo sa 2023 General Appropriations Act (GAA).
Gagamitin aniya ang pondo para sa National Rice Program, National Corn Program, National Livestock Program, National High-Value Crops Development Program, Promotion and Development of Organic Agriculture Program, at National Urban and Peri-Urban Agriculture Program.
Layunin ng mga programa na makamit ang food security at matugunan ang poverty alleviation.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. has emphasized many times that agriculture is a top concern priority of his administration. Our 8-Point Socioeconomic agenda puts primacy on food security and agricultural output. As such, we have ensured that important programs which seek to increase farm income and productivity will get a much-needed boost,” pahayag ni Pangandaman.
Nasa P30.30 bilyon ang laan para sa National Rice Program (NRP). Mas mataas ito sa P15.78 bilyong pondo na laan noong 2022.
Nasa P5.02 bilyon naman ang laan para sa National Corn Program habang nasa P4.50 bilyon ang laan para sa National Livestock Program.
Nasa P1.80 bilyon ang inilaan para sa National High-Value Crops at P900 milyon naman para sa Promotion and Development of Organic Agriculture Program.
Nasa P318.47 milyon naman ang inilaan sa National Urban and Peri-Urban Agriculture Program.