Poe: Pagbaba ng bilang ng text scam bunga ng SIM Registration Law

By Jan Escosio March 14, 2023 - 08:32 AM

Senate PRIB photo

 

Sinabi ni Senator Grace Poe na epekto ng SIM Registration Law ang pagbaba ng bilang ng mga reklamo ukol sa text scam.

Ngunit nagbilin ito na hindi dapat magpakakampante at magluwag sa pagpapatupad ng batas.

Aniya ang mga scammers ay maaring magkasa ng bagong modus para makapanloko.

Binanggit niya na sa ngayon, higit 25 porsiyento pa lamang ng kabuuang bilang ng ginagamit na SIM ang naiparehsitro na.

Hinikayat niya ang telcos na paigtingin pa ang mga ginagawang hakbang para makapanghikayat ng kanilang subscribers na iparehistro na ang kanilang SIM card.

“The ultimate aim of the law is 100 percent registration and zero text scam to give our mobile users a safe and secure environment in using the technology,” ani Poe.

TAGS: news, Radyo Inquirer, registration, SIM card, text scam, news, Radyo Inquirer, registration, SIM card, text scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.