P750 salary hike sa private sector inihirit sa Kamara
By Jan Escosio March 14, 2023 - 08:24 AM
Naghain ng panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pagbibigay ng umento sa lahat ng mga nagta-trabaho sa pribadong sektor.
Inihain ng mga miyembro ng Makabayan bloc, sa pangunguna ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, ang House Bill 7568 para sa P750 across-the-board wage increase.
Katuwiran ng mga mambabatas, makatuwiran lamang ang umento para maibsan ang epekto ng mataas na inflation.
Anila bagamat binigyan ng maliit na umento ang mga manggagawa ng regional wage boards, hindi sapat ang taas-sahod dahil tumataas ang halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ayon kay Brosas sapat na ang hinihingi nila na P750 dagdag sahod para makaagapay ang mga manggagawa sa tumataas na halaga ng pamumuhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.