May-ari ng MT Princess Empress nag-sorry dahil sa oil spill

By Jan Escosio March 14, 2023 - 08:21 AM

 

Humingi ng paumanhin ang may-ari ng MT Princess Empress, ang tanker na lumubog sa dagat ng Naujan, Oriental Mindoro at sanhi ng malawakang oil spill.

Sa inilabas na pahayag ng RDC Reield Marine Services, tinitiyak nito na ginagawa nila ang lahat ng mga hakbang para maresolba ang isyu at hindi na lumaki ang pinsala sa kalikasan.

“We are truly sorry that this incident has affected the livelihoods of those living in the impacted areas and the spill’s effect on the environment,” ayon sa  RDC Reield Marine Services.

Noong Pebrero 28, lumubog ang naturang tanker na may kargang 800,000 litro ng industrial oil.

Nakikipag-unahan na sa panahon ang mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensiya ng gobyerno para mapigilan pa ang pagkalat ng langis.

Libong-libong residente ng lalawigan ang apektado na ng insidente, ang kanilang kalusugan at kabuhayan.

TAGS: negros, news, Oil Spill, Radyo Inquirer, sorry, negros, news, Oil Spill, Radyo Inquirer, sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.