Jinggoy: Kaalyado ang US, ka-partner ang China

March 13, 2023 - 05:03 PM

PDI FILE PHOTO

Hindi maiiwasan ang anumang maging interpretasyon ng China sa pagdaragdag na lugar na sakop ng Ph-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ito ang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada dahil aniya may tensyon sa pagitan ng US at China.

Sinabi ni Estrada na malinaw naman ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr., na nang aprubahan niya ang karagdagang EDCA sites ayaw niyang magdulot ito ng tensyon sa South China Sea.

Malinaw din aniya na sinabi ng Punong Ehekutibo  na makita itong ‘act of aggression.’

Ayon kay Estrada matagal na ang relasyon ng Pilipinas at Amerika at mayroon din Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.

“Our Balikatan exercises are only exercises for the defense of the country and not for the invasion of China. We are not waging a war against China. In fact, China is our trade partner,” sabi pa ng senador.

Napakahalaga lang aniya sa interes ng Pilipinas na mapanatili at mabantayan ang kapayapaan sa pamamagitan ng tulong ng mga katabing bansa sa Timog Silangan Asya.

Malaki aniya ang magiging epekto kung magkakaroon ng komprontasyon ang dalawang higante at makapangyarihang bansa.

TAGS: Jan Escosio, Jan Escosio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.