Mga nagtatanim ng sibuyas patuloy na binabarat – Hontiveros

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na patuloy ang pag-ani ng mga sibuyas sa bansa kayat inaasahan na bababa pa ang presyo.

Ngunit kasabay nito, nagpahayag ng pagkabahala si Hontiveros dahil sa patuloy na pambabarat sa mga nagtatanim ng sibuyas at wala naman magagawa ang mga ito kundi ibenta ang kanilang anim para lang hindi mabulok

Aniya ito ang dahilan kayat maaring imposible na dumami ang magtatanim ng sibuyas.

“Sa ngayon, wala nang choice ang mga magsasaka kundi ibenta ang mga ani sa presyong barat dahil mabubulok lang at hindi maipasok sa kulang na kulang na cold storage facilities,” aniya.

Dagdag pa ng senadora maganda ang tinatahak na direksyon ng pag-iimbestiga ng Kamara na ang layon ay malaman kung may posibleng pagsasabwatan sa pagitan ng mga middlemen at operator ng mga cold storage facility.

“Walang cartel kung sapat ang cold storage. Wala nang maluluha —  konsyumer man o magsasaka — dahil dadami ang suplay at bababa ang presyo, tag-ulan man o tag-araw,” sabi pa ni Hontiveros.

 

Read more...