SIM registration ng Home Prepaid Wi-Fi users pinadali ng Globe

Mas pinadali pa ng Globe At Home ang proseso ng SIM registration para sa mga Globe At Home Prepaid Wi-Fi users, at hinihikayat ang mga customer na magrehistro bago ang deadline sa Abril 26. Base sa SIM Registration Act, kinakailangang irehistro ng lahat ng subscribers ang kanilang mga SIM, kabilang ang gamit sa Home Prepaid Wi-Fi ng Globe. “Tinatawagan namin ang Globe at Home Prepaid WiFi subscribers na i-register ang kanilang mga SIM upang hindi ma-deactivate ang mga ito at patuloy ma-enjoy ang iba’t ibang promos at rewards na hatid ng Globe at Home,” sabi ni Raymond Policarpio, VP for Brand Marketing sa Broadband Business ng Globe. Sa loob lamang ng limang hakbang, mairerehistro na ang iyong Home Prepaid WiFi SIM: ●       I-download ang GlobeOne app at gumawa ng account gamit ang iyong mobile number. ●       Mag-connect sa iyong Home Prepaid WiFi at i-enrol ito gamit ang number na makikita sa modem box. I-click ang “Register Your SIM Now.” ●       Ibigay ang mga impormasyon na kailangan at i-upload ang isang valid government ID at selfie na kasama ang naturang ID. ●       I-key in ang one-time password na ipinadala sa iyong inilagay na mobile number. ●       Hintayin lamang ang confirmation at tandaan ang registration reference code. Para masiguro ang mabilis at tuloy-tuloy na pagrerehistro, siguraduhin na alam ang mga sumusunod na mga impormasyon at nakahanda ang mga dokumentong kailangan: ●       Buong Pangalan ●       Araw ng Kapanganakan ●       Kasarian ●       Tirahan ●       Uri ng government ID na ginamit ●       ID Number ●       Valid Government ID na may larawan Kailangan ding patunayan na tama at totoo ang lahat ng impormasyon na ibinigay. Isa ang SIM Registration Act sa mga nakikitang paraan ng gobyerno  para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga insidente ng scam dahil sa paggamit ng iba’t ibang SIM. I-rehistro na ang Home Prepaid WiFi SIM gamit sa GlobeOne app para hindi ma-deactivate ang iyong SIM at para sa mas ligtas at secure na digital marketplace para sa lahat.

Read more...