Abu Sayyaf Group minaliit ng Malacañang

By Alvin Barcelona June 14, 2016 - 08:15 PM

Herminio-Coloma-1211
Inquirer file photo

Naniniwala ang Malacañang na humina na ang pwersa ng bandidong Abu Sayyaf Group.

Sa kabila ito ng pagmamatigas ng grupo sa pamahalaan at pagpugot sa isa pa nitong bihag na dayuhan.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nalimitahan na ang galaw pati ang kakayahan ng bandidong grupo dahil sa dalawang buwang military at law enforcement operation kontra sa Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Coloma, ang pinakahuling insidente ng karumal-dumal na krimen ay lalong nagpaigting sa determinasyon ng gobyerno na tapusin ang mga gawain nito.

Nauna rito sinabi ni Pangulong Aquino na bago siya bumaba sa puwesto ay wawakasan niya ang mga kriminal na gawain ng Abu Sayyaf.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Coloma, Malakanyang, Abu Sayyaf, AFP, Coloma, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.