Suspek sa pagpatay kay Trece Martires City VM Akexandel Lubigan, naaresto
Hawak na ng awtoridad ang suspek sa pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan noong 2018.
Sa pahayag ng Cavite Police Provincial Office kinilala ang suspek na si Ariel Fletchetro Paiton alias Dagul at Labuyo, na limang taon na nakapagtago.
Naaresto siya noong Marso 10 sa Antipolo City.
Nabatid na tinangka pa ni Paiton na tumakas matapos paputukan ang mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest para sa mgas kasong murder at frustrated murder.
Sa pagganti sa kanya ay tinamaan siya ng bala sa kanyang kaliwang balikat. Nabawi sa kanya ang isang kalibre .45 na baril.
Magugunita na noong Hulyo 7, 2018, pinatay si Lubigan sa Trece-Indang Road sa Barangay Luciano sa Trece Martires.
Ikinalugod naman ni Mayor Gemma Buendia Lubigan ang pagakaka-aresto sa suspek sa pagpatay sa kanyang mister.
“I’ll never lose my faith in You Oh Lord! Salamat po sa lahat ng mga taong naging instrumento ,” ang post ni Buendia-Lubigan sa kanyang social media account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.