Susubukan muli ngayon araw na madala na sa Cauayan ang mga labi ng piloto at limang pasahero ng bumagsak na Cessna aiecraft sa bayan ng Divilacan sa Isabela.
Kahapon naibaba na ang mga labi sa bayan ng Divilacan ngunit dahil sa masamang panahon, hindi nakalipad ang Philippine Air Force (PAF) helicopter na magdadala sana sa mga biktima sa Cauayan.
Natagpuan ang pinagbagsakan ng eroplano sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ditarum noong nakaraang Sabado at naging matinding hamon ang pagbababa sa bayan ng mga labi dahil sa masukal na daanan.
Nabatid na naghihintay na sa ICT Center ng PAF Tactical Operations Group 2 sa Cauayan ang pamilya ng mga biktima.
Magugunita na nawala ang naturang eroplano noong Enero 23 ilang minuto bago ang inaasahan na paglapag nito sa Maconacon Airport.
Agad na nagsagawa ng inter-agency search and rescue operations ngunit mahigit isang buwan ang lumipas bago ito natagpuan.