PCG nagpasaklolo sa Amerika sa oil spill sa Oriental Mindoro
Humingi na ng tulong ang Philippine Coast Guard sa Amerika para linisin ang oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni PCG commandant Admiral Artemio Abu na gumawa na siya ng liham sa Amerika.
“As a matter of fact may naging coordination na po kami iyong coast guard representative nila sa atin may ugnayan sa atin sa headquarters natin ng Coast guard and I’ve written, sent a letter to the Embassy of the United States through the coast Guard na nangangailangan tayo ng tulong nila – iyon lang po iyong request sa akin, gumawa ako ng komunikasyon – ginawa ko po iyon, sa lalong madaling panahon ay nagawa po natin,” pahayag ni Abu.
Una nang nagpaabot ng tulong ang Japan.
“Marami pa ang nagpiprisintang bansa sa atin. Sa Lunes may iba-ibang bansa po ang gustong makita ang pamunuan ng Philippine Coast Guard to be able to extend assistance, to figure out how they will be of help to the Coast Guard and to the Philippine government in addressing this oil spill incident,” pahayag ni Abu.
Mahalaga ayon kay Abu na mabigyan muna ng briefing ang mga dayuhang eksperto dahil mayroong ipinatutupad na scientific approach ang pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng oil spill.
“So, scientific po iyong approach natin, we are very, very careful on that in introducing chemicals to the environment alam po natin iyan. Kaya nga po even iyong mga bagong dating na foreign help o iyong team na darating, let’s say sa Japan may dumating na siyam sila, magkaroon muna ng briefing bago sila i-deploy doon sa area,” pahayag ni Abu.
“They need to be in coordination with the incident command post of the coast guard so that we will know kung saan natin sila tamang i-deploy, kung saan sila tamang magamit natin nang maayos,” dagdag ng opisyal.
Patuloy naman aniya ang imbestigasyon sa seaworthiness ng MT Princess Empress.
Lumubog ang oil tanker noong Pebrero 28 kung saan karga nito ang 800,000 litro ng fuel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.