P195 Million na halaga ng droga natimbog ng PDEA sa Paranaque

By Jan Escosio June 14, 2016 - 04:02 PM

PDEA Macapagal
Photo: Jan Escosio

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang sasakyan lulan ang dalawang Taiwanese kung saan ay nakuha sa kanila ang halos ay 39 kilos ng Shabu na may street value na P195 Million.

Sa exclusive report ng Radyo Inquirer, sinabi ni PDEA Director Arturo Cacdac na galing sa Mall of Asia ang suspects na sina Tseng Shoon Ming at Huang Zheng Kai.

Mula sa nasabing lugar ay nakatakda sana nilang ideliver ang mga droga sa Tagaytay City pero nasabat sila ng mga PDEA personnel sa kahabaan ng Macapagal Blvd. sakop ng Brgy. Don Galo sa Paranaque City.

Hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspects nang paligiran sila ng mga otoridad.

Inaalam sa kasalukuyan ng PDEA kung kanino ide-deliver ang nasabing mga droga at kung saan galing ang mga ito.

TAGS: Cacdac, Illegal Drugs, Macapagal, PDEA, Cacdac, Illegal Drugs, Macapagal, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.