Limang Japanese nasagip ng PCG sa Oriental Mindoro

By Chona Yu March 11, 2023 - 07:46 AM

 

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang limang Japanese sa Silonay Island sa Calapan, Oriental Mindoro.

Ayon sa PCG,  nasiraan ang MV Catriona fishing vessel na sinasakyan ng limang Japanese.

Nakilala ang mga Japanese na sina Osamu Kawakami, 74 anyos, Itsuo Tamura, 86 anyos, Hiromu Nishida, 83 anyos at Hamagato Tsukasa, 80 anyos.

Galing ng Japan ang lima at patungo sana ng Davao nang mabutasan ang barko.

Nakatanggap ng distress call ang PCG kung kaya agad na nagsagawa ng search and rescue operation.

 

 

TAGS: Calapan, japanese, news, Oriental Mindoro, PCG, Radyo Inquirer, rescue, Calapan, japanese, news, Oriental Mindoro, PCG, Radyo Inquirer, rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.