Philippine Heart Center Annex sa Pampanga, ipatatayo ni Pangulong Marcos

By Chona Yu March 10, 2023 - 04:19 PM

 

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatatag ng Philippine Heart Center (PHC) Annex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ito ay para mabigyan ng de-kwalidad na healthcare ang mga Filipino.

Base sa Executive Order Number 19, sinabi ng Pangulo na marami sa mga Filipino na may sakit na cardiovascular diseases ang kinakailangan na bumiyahe pa sa Metro Manila para magpagamot sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

“Subject to limitations under existing laws, rules and regulations, the National Government shall establish the Philippine Heart Center Annex in Clark Freeport Zone, Pampanga (PHC Clark), which will primarily render specialized medical services for the prevention and treatment of cardiovascular diseases,” saad ng EO.

Nilagdaan ang EO noong Marso 8.

“With world-class highways and an international airport, the Clark Freeport Zone is a gateway to Central Luzon. As such, establishing a specialty hospital annex in Clark Freeport Zone will bring quality healthcare closer to the people,” saad ng EO.

Base sa data ng Philippine Statistics Authority, isa ang cardiovascular diseases na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino.

Inaatasan ng EO ang PHC na mag-establish, manage, at mag administer sa PHC Clark.

Matatandaang itinatag ang PHC  sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 673 (s. 1975).

Ito ang natatanging ospital na nagbibigay ng specialty sa cardiovascular diseases.

nakasaad pa sa EO na kukunin ang pondo sa Department of Health at PHC.

 

TAGS: Clark, Ferdinand Marcos Jr., news, Pampanga, philippine heart center, Radyo Inquirer, Clark, Ferdinand Marcos Jr., news, Pampanga, philippine heart center, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.