Sen. Revilla umapila kay Rep. Arnie Teves na umuwi at depensahan ang sarili
Nanawagan si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., kay Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr., na bumalik ng ng Pilipinas at harapin ang alegasyon na siya ang nagpapatay kay Governo Roel Degamo.
“Kailangan niyang bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyon. That is just the most prudent and right thing to do lalo na at isa siyang halal na opisyal,” ani Revilla.
Makakabuti aniya na linisin ni Teves ang pangalan nito para mapatunayan na wala talaga siyang kinalaman.
“Flight is an indication of guilt at kung wala siyang kinalaman, hindi niya gugustuhin na ganun ang mangyari,” dagdag pa ng senador.
Magugunita na inginuso si Teves ng mga naarestong suspek na utak sa pagpatay kay Degamo.
Kasabay nito, ang panawagan ni Revilla sa iba pang may kinalaman sa krimen na sumuko na lamang dahil hindi titigil ang puwersa ng gobyerno sa pagtugis sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.