Info drive sa COVID 19 vaccine rollout paigtingin, bilin ni Sen. Francis Tolentino

By Jan Escosio March 10, 2023 - 11:15 AM

 

Hinikayat ni Senator Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) na pasiglahin ang information and education campaign ukol sa COVID 19 vaccination program.

Naniniwala si Tolentino na isa ito sa makakapagpabawas ng mga pangamba at pagdududa sa bakuna laban sa nakakamatay na sakit.

Ito ay para na rin maiwasan ang pagkasayang ng bilyong-bilyong pisong halaga ng mga bakuna.

Sinabi ito ni Tolentino bago niya tapusin ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Blue Ribbon Committee ukol sa pagbili ng gobyerno ng mga bakuna.

“Parang wala na nagre-report? Kasi dati everyday, naririnig natin,’ sabi ni Tolentino.

Nabanggit niya na ang mababang vaccination rates ay maaring dahil sa hindi epektibong kampaniya para makumbinsi ang mamamayan na magpaturok ng kanilang booster shots.”

“Ayaw na nila kasi walang sense of urgency na eh. Hindi na kayo nakikita,” dagdag pa ng senador.

Nabatid na sa ngayon, 46,000 doses na lamang ang naituturok kada linggo sa kabila ng pagkakaroon ng 50.74 million doses na mag-eexpire sa mga susunod na buwan.

TAGS: Francis Tolentino, news, Radyo Inquirer, vaccine, Francis Tolentino, news, Radyo Inquirer, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.