Inanunsiyo ng pambansang pulisya ang karagdagang seguridad sa mga pulitiko na may pagbabanta sa buhay kasunod na rin nang sunod-sunod na pag-atake sa mga lokal na opisyal.
Nakipagpulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP sa mga opisyal ng Union of Local Authorities in the Philippines, League of Governors, at League of Mayors ukol sa naturang isyu.
Sinabi ni Police Brig Gen. Matthew Baccay, ang director ng PNP’ Directorate for Personnel and Records Management, na tinitingnan nila ang pagbibigay ng “security package” sa mga pulitiko na mapapatunayan na nanganganib ang kaligtasan.
Sa ngayon, limitado sa dalawa ang police security aides ng mga pulitiko.
But the PNP’s in the process of studying providing a security package especially for those with threat assessments that are validated. The move of the PNP is to provide additional security personnel for those with validated threat assessment,” aniya.