Kamara naghahanda na sa simpleng SONA ni Duterte

congress (1)Naghahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa unang State of the Nation Address o SONA ni President-elect Rodrigo Duterte sa July 25, 2016.

Ang naturang petsa rin ang pagbubukas ng 1st regular session ng 17th Congress.

Itinakda ang unang coordination meeting ng Task Force SONA 2016 sa Huwebes, June 16, 2016, sa Mitra Hall sa Batasan Complex.

Kabilang sa mga imbitado ay mga opisyal ng Malakanyang, Radio-Television Malacanang o RTVM, mga kinatawan mula sa Senado at Kamara, at media mula sa telebisyon, radyo, online at print.

Batay sa Saligang Batas, ang SONA ay isinasagawa ng pangulo ng bansa tuwing ika-apat na Lunes ng buwan ng Hulyo, taun-taon.

Nagtutungo ang pangulo sa Batasan Pambansa para gawin ang kanyang SONA o ulat sa bayan sa plenary hall.

Inaasahan na magiging iba ang SONA ni Duterte, lalo’t nagpasabi na ilang cabinet members nito na simple lamang ang gustong okasyon ng bagong Pangulo.

Read more...