Halos 3,000 pamilya apektado ng magnitude 5.9 quake sa Davao de Oro
Nasa 2,900 na pamilya ang naapektuhan sa magnitude 5.9 magnitude na lindol na yumanig sa Davao de Oro.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Diego Agustin Mariano, ang namumuno sa Office of Civil Defense-Joint Information Center, sa naturang bilang, 1,800 pamilya ang nanatili sa mga evacuation centers.
Nasa mahigit 16 katao naman ang naiulat na nasugatan dahil sa lindol.
May P6 milyong halaga na ng ayuda, gaya ng family food packs, tents at sleeping kits, ang naipamahagi sa mga apektado.
Samantala, P42 milyong halaga ng ari-arian ang nasira, bukod sa walong kalsada na hindi pa nadadaanan.
Naibalik naman sa normal ang suplay ng kuryente sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.