AFP nagluluksa rin sa pagpatay ng Abu Sayyaf sa kanilang bihag

By Ruel Perez June 14, 2016 - 03:18 PM

Robert hall
Inquirer file photo

Nararamdaman din umano ng militar ang sakit na nararamdaman ng mga kaanak ng biktima ng pagpugot ng na kagagawan ng Abu Sayyaf Group ulo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman Maj. Felimon Tan, ito ay dahil maging ang militar ay nawalan din ng mga kasamahan sa pagsisikap na mailigtas ang mga bihag ng mga bandido.

Nagluluksa rin umano sila ngayon dahil maraming mga pamilya rin ng mga sundalo ang nawalan ng mahal sa buhay sa proseso ng pag neutralize sa mga kriminal at bandidong grupo.

Samantala, sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato na kailangan pa rin nilang ituloy ang operasyon laban sa mga bandido hanggang masukol ang mga ito at mapanagot sa karumal dumal nilang krimen.

Magugunitang kahapon ay pinugutan ng Abu Sayyaf Group ang Canadian hostage na si Robert Hall.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, canadian, robert hall, Abu Sayyaf, AFP, canadian, robert hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.