Missing Cessna plane sa Isabela natagpuan na, 6 sakay patay

By Jan Escosio March 09, 2023 - 04:47 PM

Makalipas ang isang buwan at dalawang linggo na paghahanap, natagpuan na kaninang tanghali ang nawawalang Cessna 206 plane sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ditarum sa  Divilacan, Isabela.

Bago mag-alas-12 ng tanghali nang makatanggap ng ulat mula sa Rescue Team 715 hinggil sa pagkakatagpo sa eroplano, sabay kumpirma na patay na ang anim na sakay.

Nabatid na ang naturang rescue team ay idineploy sa ika-anim na pagkakataon noong nakaraag Martes, Marso 7.

Pasado alas-2 ngayon hapon nagpadala ng apat na retrieval teams, na binubuo naman ng 39, katao para ibaba ang mga biktima.

Tinataya na aabutin ng tatlong araw bago tuluyang maibaba sa bayan ang mga labi.

May ulat na ang isa sa mga biktima ay napugutan at ang kanilang mga damit ay nakasabit sa mga puno, gayundin ang ilang bahagi ng eroplano.

Magugunita, Enero 24 nang mapa-ulat na nawawala ang naturang eroplano, na ang piloto ay si Capt. Eleazar Mark Joven.

Kabilang din sa mga sakay ay sina Josefa Perla Espana, Vala Kamatoy, at tatlong iba pa, kabilang ang dalawang bata.

Patungo ang eroplano sa bayan ng Maconacon nang ito ay mawala, kalahating oras nang lumipad ito mula sa Cauayan Airport.

 

 

TAGS: cessna, Crash, isabela, plane, cessna, Crash, isabela, plane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.