COVID 19 vaccines’ doses na masasayang posibleng umabot sa 57M

By Jan Escosio March 09, 2023 - 01:24 PM

 

Pinangangambahan na lulubo pa sa 57 million doses ng COVID-19 vaccines ang ma-e-expire ngayon 2023 kung hindi magagamit ang mga bakunang napalawig ang life extensions.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, ibinahagi ni Department of Health (DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire mayroong 6,955,350 doses ng COVID-19 vaccines ang kasalukuyang naka-quarantine ngayon at hinihintay pa ang desisyon ng mga vaccine manufacturers at ng Food and Drug Administration (FDA) kung papayagan na palawigin ang shelf-life o bisa nito. Sinabi ni Sen. Francis Tolentino, ang namumuno sa Blue Ribbob Committee,  kay Vergeire na kung hindi pala magagamit ang nakatabing 6.9 million doses at kung hindi ma-e-extend ang shelf-life ay posible palang lumobo pa sa 57 million doses ang vaccine wastage ng bansa. Sinang-ayunan naman ito ni Vergeire pero  aniya ginagawa naman nila ang lahat ng paraan ngayon para mapabilis ang vaccination program ng pamahalaan. Maging ang mga bakuna na mapapaso na sa Setyembre ay sisikapin nilang hindi masayang at maiturok sa mga tao. Nababahala pa si Tolentino na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga ma-e-expire na COVID-19 vaccines ngayong taon kapag hinayaan lang at hindi nagamit ang mga bakuna na binigyan ng short life extension. Nito lamang Pebrero ay mayroong 4.36 million doses ng Pfizer adult ang nag-expire, sa Marso at Abril ay inaasahang may tatlong milyong doses ng Pfizer pedia ang ma-e-expire at sa darating na Mayo ay may 13,040 doses ng Sinovac naman ang ma-e-expire. Sa Setyembre ay 2.16 million doses ng Sinovac pa ang inaasahang ma-e-expire.

TAGS: anti COVID-19 vaccines, COVID-19, doh, expire, anti COVID-19 vaccines, COVID-19, doh, expire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.