Cong. Ruffy Biazon nagpiyansa sa mga kaso sa Sandiganbayan

Ruffy BiazonAabot sa P90,000 ang kabuuang piyansa na inilagak ni dating Customs Commissioner at ngayo’y incoming Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa Sandiganbayan.

Ito’y para sa mga kasong graft, direct bribery at malversation na kaniyang kinakaharap.

Personal na nagtungo si Biazon sa anti-graft court para makapagpiyansa.

Nag-ugat ang kaso ni Biazon sa umano’y hindi tamang paggamit sa kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF noong Mambabatas pa siya.

Aabot sa tatlong milyong piso ang sangkot sa kanyang pork barrel scam case, kung saan kapwa niya akusado sina Janet Lim-Napoles, dating ERC Chairman Zenaida Ducut, ilang opisyal ng Technology Resource Center at Department of Budget and Management.

Batay sa reklamo ng Office of the Ombudsman, October 2007 nang pondohan ni Biazon ang proyekto sa ilalim ng pekeng NGO ni Napoles na, hindi naman natuloy.

 

Read more...