Senado magkakasa ng pagdinig sa Mindoro oil spill

March 09, 2023 - 01:06 PM

PCG PHOTO

Magsasagawa ang  Senado ng pagdinig kaugnay sa lawak ng pinsala na idinulot ng oil spill mula sa lumubog na  MT Princess Empress sa dagat na sakop ng Naujan, Oriental Mindoro.

Base sa Senate Resolution 537 na inihain ni Sen.  Cynthia Villar, inatasan ang Committee on Environment na pinamumunuan din ng senadora para imbestigahan ang tumitinding pagkalat ng langis mula sa lumubog na barko. Nais malaman ni Villar kung ano ang mga dapat at kailangang gawing hakbang para mapigilan ang lumalawak pang oil spill. Ipabubusisi ang pagpapatupad ng Oil Pollution Compensation Act of 2007 o RA 9483, na nagbibigay papanagutan  sa mga magdudulot ng pinsala dahil sa oil pollution at nag-uutos na bigyan agad ng kompensasyon o kabayaran ang mga maaapektuhan. Nakasaad sa resolusyon na kung hindi maaagapan ay maaaring maapektuhan o masira rito ang lagpas sa 36,000 ektaryang coral reefs, mangroves at seagrass sa karagatan ng Mindoro Oriental at Occidental, Palawan at Antique. Nanganganib din na masira ang marine biodiversity sa Verde Island Passage na tirahan ng iba’t ibang marine species. Bukod sa pagkasira sa kalikasan ay banta rin ito sa kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan sa mga apektadong lugar.

TAGS: environment, Oil Spill, Senate, environment, Oil Spill, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.