Hindi naging maganda ang pagpasok ng 2023 sa mga usapin ng may mga trabaho sa bansa.
Ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dumami ang walang trabahong Filipino noong Enero.
Base sa paunang 2023 Labor Force Surbey, 2,237 milyong Filipino, edad 15 pataas ang walang trabaho sa nanabanggit na buwan, mas mataas sa naitalang 2.22 milyon noong nakalipas na Disyembre.
Bunga nito, umangat sa 4.8 porsiyento ang unemployment rate sa bansa mula sa 4.3 porsiyento noong Disyembre.
Ang naitalang bagong unemployment rate ang pinakamataas simula noong nakaraang Setyembre kung kailan naitala naman ang 5 porsiyento.
Sinabi ni PSA Usec. Dennis Mapa, inaasahan ang pagtaas ng unemployment rate sa unang tatlong buwan ng taon dahil wala na ang mga trabaho na nalikha sa nagdaang Kapaskuhan.
Ngunit mas mababa ang January unemployment rate kumpara sa naitalang 6.4% noong Enero 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.