Globe nagbabala sa job recruitment scam sa social media, target ang college freshmen

By Jan Escosio March 09, 2023 - 12:11 PM

Pinag-iingat ng Globe ang publiko ukol sa  kumakalat na job recruitment scam sa social media, partikular sa Facebook.

Ayon sa Globe ginagamit sa modus ang  manipulated photos na nagpapakitang nag-aalok umano ng trabaho ang Globe sa mga college freshman sa ilalim ng work-from-home arrangement na may suweldong P35,000 kada buwan.

Isa sa mga larawan sa panloloko ay ang aktuwal na pagbibigay ng premyo sa isang Globe customer at  inedit ito para ipakitang kunwaring tumatanggap  ang isang estudyante ng trabaho mula sa Globe.

Mayroon ding mga pekeng account na gumagamit ng larawan ng mga empleyado ng Globe para isipin ng mga kustomer na nakikipag-ugnayan sila sa mga lehitimong Globe personnel.

“I-verify kung totoo ang impormasyon na makikita ninyo online dahil kalat na ang scams sa social media. Iwasang magbahagi ng personal o financial information hanggang ma-verify na totoo ang inaalok na trabaho. Maaari itong magamit para ma-access ang inyong online accounts, katulad ng e-wallets o bank accounts,” payo ni Globe Chief Privacy Officer Irish Salandanan-Almeida.

Pinapayuhan din ang publiko na huwag i-click ang mga kahina-hinalang link, gumamit ng mas matitinding password, at i-activate ang multi-factor authentication para mas maprotektahan ang kanilang mga online account.

Ang phishing ay isang karaniwang uri ng online fraud kung saan ang mga cyber criminal ay nagpapanggap bilang isang lehitimong organisasyon o indibidwal gamit ang email, post, o text message. Patuloy ang Globe sa pagpapatupad ng mga hakbang para labanan ang online fraud at cybercrime.

Gumastos na ang Globe  ng $20 milyon para palakasin ang spam at scam SMS detection at blocking system nito.

Noong 2022 lamang, naharang ng Globe ang 2.72 bilyong scam at spam messages habang patuloy nitong pinapalakas ang crackdown laban sa kriminalidad para maprotektahan ang mga consumer.

TAGS: facebook, Globe, modus, phishing, social media, trabaho, facebook, Globe, modus, phishing, social media, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.