Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bilisan ang paglilinis sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay DENR Sec. Antonia Loyzaga, sinabi nito na dapat na agad na makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente lalo na ang mga mangingisda.
Tugon naman ni Loyzaga, balak ng kanilang hanay na gamitin ang mga kalahok ngayong taon sa Balikatan exercises sa clean up drive.
Dagdag pa ng kalihim. makikipagtulungan din sila sa United States Embassy para sa posibilidad ng pagdi-deploy ng mga kalahok sa taunang joint military drills.
Sinabi pa ni Loyzaga na handa rin ang Japan at South Korea na tumulong sa paglilinis sa oil spill.
Iniulat din ni Loyzaga na nakikipag-ugnayan sila local government units (LGUs), may-ari ng lumubog na barko at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makakalap ng dagdag na pondo para sa cash-for-work program para sa mga apektadong residente.
Nasa P60 milyon ang inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa cash-for-work program sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).