Philhealth members’ benefits, coverages pinalawak ni PBBM Jr.
By Chona Yu March 09, 2023 - 08:42 AM
Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawakin pa ang coverage sa mga miyembro nito.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo kay Philhealth acting president at CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa Malakanyang, sinabi nito na mula sa 90, dapat ng gawin sa 156 sessions ang hemodialysis coverage kayat ang dialysis support ay atlong beses kada linggo sa mga outpatients. Kasama rin sa short-term plan ngayon ng Philhealth ang paglalatag ng mobile app at short message service (SMS) confirmations, pati na ang implementasyon ng bagong benefit packages. Kabilang sa mga bagong benefit packages ang outpatient mental health benefit package, outpatient package for severe acute malnutrition para sa mga batang edad limang taong gulang pababa at pagpapalakas sa Konsulta package. Balak rin ng PhilHealth na i-rationalize ang Covid-19 in-patient packages, reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) at rapid antigen tests pati na ang isolation packages. Para sa mid-term plan na ipatutupad sa 2024, bibigyan ng PhilHealth ng general amnesty ang mga employers at government agencies na hindi nakabayad ng premium payments kung saan saklaw nito ang mga businesses, employers at individuals lalo na ang small at medium enterprises na hindi kayang bayaran ang 3 percent interest sa mga hindi nabayarang premium payments. Balak din ng Philhealth na pagmultahin ang mga pasaway na doktor sa halip na bawiin ang kanilang binayarang accreditation.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.