58 blood samples ng mga baboy sa Cebu positibo sa ASF

PDI FILE PHOTO

Positibo sa African Swine Fever (ASF) ang 58 mula sa 149 blood samples na kinuha sa mga baboy sa Carcar City, Cebu.

Nabatid na ang Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang nagsagawa ng Real-time Polymerase Chain Reaction (rtPCR)sa mga blood samples.

Agad naming nakipag-ugnayan ang BAI sa DA-Regional Field Office VII, Provincial Veterinary Office of Cebu at iba pang tanggapan ng pamahalaan para ipatupad ang ASF protocols.

Bibigyan din ng BAI ng technical at logistical support ang mga magba-baboy para mapigilan ang pagkalat ng infection.

Hinihikayat ng BAI ang mga swine raisers at stakeholders na agad na ipagbigay alam kung nagkakasakit ang mga alagang baboy para agad na mapaigting ang biosecurity measures.

Pinakakalma ng BAI ang publiko at huwag mag-panic dahil gumagawa na ng aksyon ang pamahalaan.

Read more...