Kadiwa ng Pangulo para sa mga manggagawa inilunsad sa TUCP

By Chona Yu March 08, 2023 - 06:44 PM

PCO PHOTO

Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang paglulunsad sa special Kadiwa ng Pangulo (KNP) outlet na “KNP Para sa Manggagawa” sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) head office sa Quezon City.

Ayon sa Pangulo, ang naturang programa ay pagpapalawak at pagpapatuloy lamang sa Kadiwa centers sa buong bansa na naglalayong matulungan ang mga magsasaka, mangingisda at ang mga nasa micro, small at medium enterprises (MSMEs).

Layunin ng programa na magbenta ng mura at sariwang pagkain upang mapalakas ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng direct farm-to-consumer trade.

“Ito po ay aming sinimulan noong Pasko at nakikita po naman na natin na pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin kaya’t ginawan namin ng paraan. At binalikan natin ‘yung dating sistema na idirekta na mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa ay hindi na dumadaan kung saan-saan pa na middleman,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“At kung anuman ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganoon ay makapagbili tayo – maipagbibili natin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang mga presyo,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na tulong din ito ng pamahalaan sa taumbayan na apektado ng inflation.

“Kaya’t nakikita natin marami tayong nababalitaan na nagtataasan ang presyo. Dito po sa Kadiwa ay makikita natin na malaki ang savings, malaki ang bawas doon sa presyuhan. At kaya naman ay sinimulan namin ito noong Pasko, may Kadiwa ng Pasko. Tapos sabi ng tao ay gusto naman natin ‘yung Kadiwa ba’t niyo ititigil pagkatapos mag-Pasko? ‘Di ipinagpatuloy namin hanggang naging Kadiwa ng Pangulo,” pahayag ng Pangulo.

Pinasalataman ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Food Authority (NFA) at local government units (LGUs) dahil sa pagtulong sa pagtatatag sa Kadiwa stores.

Nasa 33 na sellers ang nakiisa sa Kadiwa caravan ngayong araw.

TAGS: agrikultura, bilihin, mura, TUCP, agrikultura, bilihin, mura, TUCP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.