Gov’t workers hinikayat ng Pangulo na maging inspirasyon sa kapwa

PCO PHOTO

Binigyang pagkilala ni Pangulong  Marcos Jr. ang mga natatanging manggagawa ng gobyerno sa Civil Service Commission’s Awards Rites for the 2022 Outstanding Government Workers sa  Malakanyang.

Hiinimok nito ang mga natatanging kawani ng gobyerno na magsilbing inspirasyon sa kapwa para mahikayat na makiisa sa pamahalaan na maisulong ang national development agenda. 

“Let this occasion be a reminder to all government  workers that a service rooted in compassion  and love for country and its people is indeed possible. May the examples of our awardees inspire everyone  not only in government, everyone in the Philippines, to actively participate in our efforts to attain  the national development agenda,” dagdag ng Pangulo.

Paalala pa ni Pangulong Marcos Jr., ang pagiging lingkod bayan ay may kaakibat na malaking responsibilidad at dapat din aniya ang mga kawani sa gobyerno ay may tunay na pagmamahal sa bayan at integridad.

 “Allow me to congratulate you on this recognition that proves  that you have gone the extra mile in carrying out your  mandates, making you agents of progress  and sources of inspiration in your respective sectors  and communities. You have clearly demonstrated that  a compassionate and genuine heart lies  at the center of your efforts,” mensahe ng Punong Ehekutibo sa mga pinarangalang kawani.

Read more...