Coup attempt kay SP Migz Zubiri pinabulaanan ng mga senador

Walang naging pagbabanta sa posisyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri at tinawag pa na fake news ng ilang senador ang lumabas sa artikulo sa isang online news site.

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian nanatili at buo ang suporta ng mayora kay Zubiri at aniya ang ‘fake news’ ay maitatali sa mga hakbang para amyendahan ang 1987 Constitution dahil napakahalaga ng posisyon ng Senado ukol dito.

Dinepensahan din ni Sen. Grace Poe si Zubiri sa pagsasabing; ” He is one of the most progressive, hardworking, and unifying Senate Presidents. In fact we just passed two priority bills this week alone. Fake news, no basis.”

“Super not true,” ani naman ni Sen. Nancy Binay.

“Not from me and not that I know of,” sabi ni Sen. Francis Escudero.

Sa pagtatanggol naman kay Zubiri ni Deputy Majority Leader JV Ejercito, sinabi nito na sinusuportahan ng una ang mga priority measures ng administrasyong-Marcos Jr at nilalapitan ang mga senador para ipasa ang mga ‘Palace-certified measures.’

“He has been supportive of the administration, but fair and allows the senators maintain their independence on controversial issues by allowing conscience vote,” sabi pa ni Ejercito.

Sabi naman ni Sen. Sonny Angara, natural lamang na sa bawat pagsisimula ng bagong Kongreso at konti ang naipapasa pero sa paglipas ng panahon ay aarangkada din ang lahat.

“I think Sen. Zubiri is a very good leader and his team from pro tempore and majority leader are outstanding. They should be given a chance as it is a way too early to pass judgemenr,” ayon pa kay Angara.

Sa pahayag naman ni Zubiri, sinabi nito na gawa-gawa lamang ang artikulo .

“There has been no talk of leadership changes, as well as any warnings from any one on the low output of the Senate,” diin ni Zubiri.

Giit pa niya hindi ‘rubber stamp institution’ ang Senado.

“So this talk is nothing but tabloid gossip rubbish,” dagdag pa ni Zubiri.

Sa lumabas na artikulo, binalaan na umano si Zubiri ng Palasyo na maaring magbago ang pamunuan ng Senado kung hindi madadagdagan ang kanilang ‘output.’

Read more...