4-day work week plan hindi sakop ang private sector – Diokno

PCO PHOTO

Isinusulong ng pamahalaan na gawing apat na araw na lamang sa isang linggo ang pagpasok sa mga tanggapan sa pamahalaan.

Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, ito ay para makatipid ang pamahalaan sa paggamit sa kuryente.

Aniya  inirekomenda na ang naturang plano kay Pangulong Marcos Jr., at unang ikakasa ito sa Department of Energy.

Magsisimula aniya ang trabaho ng alas- 7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, mula Lunes hanggang Huwebes.

Samantalang, tuwing Biyernes ay work from home  arrangement muna ang ikakasa.

Kapag nagtagumpay sa pilot testing, sinabi ni Diokno na ipatutupad na rin ito sa ibang tanggapan ng pamahalaan.

At para makatipid sa kuryente, ilalagay na lamang sa 25 degrees ang temperature ng mga airconditioning unit.

Paglilinaw lamang niya na hindi saklaw ng plano ang mga nasa pribadong sektor.

Read more...