Ayon kay Aranas, napuntahan na ng kaniyang mga tauhan kaninang madaling araw sa isang mortuary sa Pasay ang ulo ng biktima, makaraan itong dumating mula sa airport galing sa Jolo.
Ani Aranas, kumuha sila ng specimen ng ulo para maisa ilalim ito sa kaukulang pagsusuri o eksaminasyon.
Maliban sa forensic examination, kailangan din umano itong isailalim sa DNA test upang makasiguro sa pagkakakilanlan ng biktima.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Canadian embassy para sa pagpapasya kung saang mortuary nila gustong ipaserbisyo ang labi.
Samantala sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Major Felimon Tan na agad ibiniyahe kaninang madaling araw ang ulo patungo sa Maynila.
Bagaman malaki umano ang posibilidad na ulo nga ni Robert Hall ang narekober base sa kaniyang physical features, kailangan pa rin itong ikumpirma mula sa magiging resulta ng pagsusuri ng crime lab.